-- Advertisements --

Hawak na ng mga kapulisan ng Turkey ang babae na nagtanim ng bomba sa Istanbul na ikinasawi ng anim na katao at ikinasugat ng mahigit 80 iba pa.

Ayon sa mga kapulisan na kanilang binantayan ang 1,200 security cameras na nakapalibot sa lugar at inaral ang rota ng suspek matapos ang itanim ang bomba.

Sa kabuuan ay mayroong 46 katao ang kanilang inaresto para imbestigahan.

Hindi pa inilabas ng mga otoridad ang pangalan ng babaeng suspek.

Sinabi ni Turkish Justice Minister Bekir Bozdag na base sa kuha ng security camera na nakaupo ng mahiigt 40 minuto ang isang babae at ng ito ay tumayo ay nang-iwan ito ng bag bago nangyari ang pagsabog.

Naniniwala si Interior Minister Suleyman Soylu na pawang mga miyembro ng Kurdish separatists from the Kurdistan Worker’s Party (PKK) at the Democratic Union Party (PYD) na mga teroristang grupo ang nasa likod ng pang-aatake.

Sa isinagawang imbestigasyon ay inamin ng babaeng suspek na siya ay naganay bilang special intelligence officer ng PKK/PYD/ YPG terrorist organization.

Una ng itinanggi ng People’s Defense Forces (HPG) ang armed wing ng PKK na sangkot sila sa nasabing insidente ng pagsabog.

Umabot na kasi sa mahigit apat na dekada ang labanan ng Turkey sa Kurdish separist groups na kumitil na ng ilang libong buhay.