CENTRAL MINDANAO-Kapwa wala nang buhay nang madatnan ng kanilang mga kamag-anak ang maglive-in partner sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Emelyn Pawon Liwantang,35 anyos at ang kanyang live-in partner na si Eddie Pael Sumongsong, 38 anyos ,magsasaka at mga residente ng Purok 4 Barangay La Fortuna M’lang North Cotabato.
Ayon sa ulat ng M’lang PNP na nagtatalo umano ang maglive-in partner sa loob ng kanilang tahanan pagkatapos paulit-ulit na akusahan ni Sumongsong ang kinakasama na may ibang karelasyon.
Pilit umanong kinuha ng suspek ang cellphone ng babae dahil may ka text at ka-chat na ibang lalaki.
Humantong sa matinding pagtatalo ng maglive-in partner,dahil sa galit ni Sumongsong tinaga nito ng makailang beses si Liwantang.
Nang makita nito na wala nang buhay ang babae at naliligo na sa kanyang sariling dugo ay ginilitan naman ng suspek ang sarili nitong leeg gamit ang matalas na itak.
Dagdag ng mga kamag-anak na ilang beses na umanong nagtatalo ang maglive-in partner dahil sa selos.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP sa naturang pangyayari.