Patay ang isang babae matapos na mahulog ito sa roller coaster sa isang theme park sa Oise, northern France.

Isang 32-anyo na babae ang biktima na ito ay nahulog sa Formula 1 Coaster ng Parc Saint-Paul.

Dahil sa tindi ng pagkakabagsak ay agad na namatay ang biktima.

Ang Formula 1 Coaster ay isa sa 45 rides sa park na itinuturing na isang atraksyon sa nasabing park.

Isa rin aniya ang nabanggit na roller coaster na nagkaroon ng aksidente noong 2009 kung saan isa ang nasawi.

Magugunitang nitong Hunyo 6 lamang ng magbukas muli ang nasabing park matapos ang ilang buwang lockdown dahil sa coronavirus.