-- Advertisements --
Arestado ang isang AWOL na pulis sa isinagawang anti-drug operations sa Muntinlupa City.
Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Guillermo Eleazar, naaresto ang suspek na si Patrolman Victor Bustamante at nakuha sa kaniya ang limang gramo ng naglalaman ng shabu.
Naka-uniporme pa ang suspek at nagsasagawa ng Oplan Sita malapit sa gate ng maximum security compound ng New Bilibid Prison.
Nakumpiska sa suspek ang kaniyang 9mm service firearm pistol.
Noong Pebrero ay nag-AWOL ang suspek matapos na makatanggap ng recommendation for suspension dahil sa hindi pagpasok sa trabaho.