Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng award winning singer na si Neil Sedaka na pumanaw sa edad na 86.
Kinumpirma ng pamilya ang biglaang pagpanaw ng kanilang minamahal na asawa, ama, at lolo, na tinaguriang isang tunay na alamat ng rock and roll.
Si Sedaka ay nakilala sa kanyang mala-boyish na boses at masiglang mga himig na nagpasikat sa kanya noong unang bahagi ng rock ‘n’ roll.
Ilan sa kanyang mga tanyag na awitin ay ang “Breaking Up Is Hard to Do”, “Laughter in the Rain”, at “Calendar Girl”.
Nagkaroon siya ng dalawang dekada ng kasikatan, una noong 1960s at muling sumikat noong 1970s, na nagpapatunay sa kanyang husay bilang mang-aawit at manunulat ng kanta.
Ayon sa pahayag ng pamilya, si Sedaka ay hindi lamang inspirasyon sa milyon-milyong tagahanga kundi isang kahanga-hangang tao na lubos na mamimiss ng mga nakilala siya nang personal.
Wala pang inilabas na detalye tungkol sa sanhi ng kanyang pagkamatay.











