Pumanaw na ang gitarista ng legendary band na KISS na si Ace Frehley sa edad na 74.
Kinumpirma ng kaniyang pamilya matapos ang ilang araw na dinala pagamutan at naka-ventilator.
Nagtamo ito ng blain breed matapos na mahulog sa studio noong nakaraang mga linggo.
Si Frehley ay original member ng KISS kasama sina Gene Simmons, Paul Stanley at Peter Criss.
Kasama siya sa banda mula 1973 hanggang 1982 bago umalis sa grupo dahil sa isyu ng paggamit ng iligal na droga at hindi pagkakaunawaan ng ilang miyembro.
Bumuo ito ng sariling banda na “Frehley’s Comet” na nagtagal mula 1984 hanggang 1988 bago naghiwalay.
Bumalik siya sa KISS noong 1996 para sa reunion tour at nanatili ng hanggang 2002.
Kasama siya sa mga hit songs ng banda gaya ng “Detroit Rock City”, “Rock and Roll All Nite” at maraming iba pa.