-- Advertisements --
Nakaligtas sa anumang kapahamakan ang bassist ng legendary band na Kiss na si Gene Simmons matapos na bahagyang bumigay ang kinatatayuan nitong platform.
Naganap ang insidente habang tumutugtog sila sa MidFloridad Credit Union Amphitheater sa Tampa, Florida.
Matapos ang makababa si Simmons ay tuluyan ng bumigay ang nasabing platform.
Itinuloy ng banda na binubuo nina Simmons, Paul Stanley at Tommy Thayer ang kanilang concert.
Magugunitang noong Agosto at Setyembre ay ipinagpaliban ng banda ang kanilang concert matapos na magpositibo sa COVID-19 sina Stanley at Simmons.