-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa bansa si Australian Trade and Tourism Prime Minister Don Farrel.

Layon nito ay para mapalakas ang economic ties ng Pilipinas at Australia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na makikipagpulong si Farrel sa ilang opisyal ng gobyerno gaya nina Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, Department of Trade and Industry Alfredo Pascual at National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Ilan sa mga tatalakayin nila ay ang mga mutual concerns at isyus sa dalawang bansa.

Kasama rin na makakapulong nito ang mga business leaders at tourism sectors.

Siya na ang pangatlong mataas na opisyal ng Australia na bumisita sa bansa.