-- Advertisements --
Desidido ang Australia sa pagpapabilis para makabili ng mga longer range missiles.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa tumitinding banta mula sa China.
Ayon sa Australian defense department na mayroon silang inilaan na pondo na nagkakahalaga ng $12 bilyon.
Base kasi sa Defense Strategic Review na tumataas ang regional tension sa pagitan ng China at Taiwan kung saan iginiit ng China na parte ng kanilang bansa ang malaking bahagi ng West Philippine Sea.
Depensa naman ni Australian Prime Minister Anthony Albanese na mahalaga ang pagiging handa sa anumang banta mula sa China.