-- Advertisements --
Lalo pang lumakas sa mga nakalipas na oras ang bagyong Auring.
Ayon sa Pagasa severe weather bulletin #3 ngayong tanghali, mula sa tropical depression, naging tropical storm na category na ito ngayon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 685 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Kumikilos ito nang mabagal habang patungo sa pahilagang kanlurang direksyon.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.