-- Advertisements --

Ikinagalak ng mga senador ang hakbang ng PhilHealth na bayaran, kahit ang kalahati muna ng pagkakautang sa Philippine Red Cross (PRC).

Matatandaang ito ang naging sanhi ng malaking abala sa maraming OFW, para makabyahe dahil sa kawalan ng COVID-19 test.

Pero para kay Senate committee on labor and employment chairman Sen. Joel Villanueva, dapat hindi na maulit ang atrasadong bayad ng government health insurer, para hindi na maging dagdag na problema ang sana ay tulong na inilalaan ng gobyerno sa mga itinuturing na bagong bayani.

Nangangamba si Villanueva na maapektuhan ang trabaho ng mga OFW, dahil lamang sa isyu ng pagkakautang ng PhilHealth.