-- Advertisements --

Kaagad na nakakalap ng mga mahahalagang impormasyon ang International Atomic Energy Agency (IAEA) sa kanilang pagtungo sa Zaporizhzhia nuclear power plant.

Sinabi ni IAEA chief Rafael Grossi, na may mga impormasyon na sila mga nakuha at kanila itong tatalakayin pagdating nila sa kanilang headquarters.

Ang ilang mga inscpectors ay naiwan pa sa planta para sa karadagang mga pagsusuri sa planta.

Aminado sila na naging delikado ang kanilang pagtungo sa lugar dahil sa patuloy ang ginagawang pagpapaulan ng rocket ng Russia.

Magugunitang nagtungo sa nuclear plant ang nasabing EU inspectors para matiyak na walang anumang pinsala ito radiation leak matapos na kubkubin ito ng mga Russian army mula pa noong Marso.