Isang panalo na lamang din ang kailangan ng Atlanta Hawks para dumiretso na rin sa semifinals.
Ito ay makaraang ilampaso nila ang New York Knicks sa iskor na 113-96 sa first round ng NBA playoffs.
Hindi pa rin nagpaawat si Trae Young na kumamada ng 27 puntos upang iposte ng Hawks ang 3-1 lead sa serye.
Noong una ay medyo inaalat sa unang bahagi ng game ang Atlanta pero pagsapit ng third quarter dito na sila lumamang hanggang sa final period.
Sa kampo ng Knicks nagtala na rin si Julius Randle ng kanyang highest-scoring game sa serye na may 23 points, pero pito lamang ang kanyang naipasok sa 19 na pagtatangka.
Si Derrick Rose naman ay bigo ring iangat ang team kung saan nagtapos siya 18 points.
Ang Game 5 ay gagawin sa Huwebes sa Madison Square Garden sa New York sa teritoryo ng Knicks.