Muli na namang umeksena sa kanyang all-around game si Trae Young upang dalhin ang Atlanta Hawks sa ikalawang panalo laban sa New York Knicks, 105-094.
Umiskor si Young ng 21 points at 14 assists para umabanse sa first round ng NBA playoffs.
Kung maalala sa game two, naging usap-usapan pa si Young nang duraan umano ng isang fan.
Pero sa pagkakataong ito, hindi nagpaapekto si Young at sa halip ay ginanahan pa sa harap ng mahigit 15,000 nilang mga fans sa Atlanta.
Sa pagtatapos ng first half lumamang pa ang Hawks sa 58-44 hanggang sa huli ay hindi na binitawan ang kanilang abanse.
Sa kabilang dako ang Knicks All-Star na Julius Randle ay minalas na naman na meron lamang 13 points.
Si Derrick Rose naman ay nanguna sa kanyang 30 points sa bigong kampanya.
Ang Game 4 ay gagawin sa Lunes sa Atlanta muli.
















