-- Advertisements --
Magkakaroon ng pulong sa pagitan ng China at ASEAN para sa pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, na isasagawa aniya ang pulong sa darating na Agosto 22 hanggang 24.
Sa ngayon kasi ay wala pang kooperasyon sa pagitan ng mga claimant countries ng West Philippine Sea.
Umaasa ang kalihim na magkakaroon ng magandang bunga ang nasabing pulong.