-- Advertisements --
Plano ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na mapabilis pa ang proseso ng pagkuha ng mga business permit ngayong taon.
Sinabi ni ARTA Director General Ernesto Perez, na ang layon nila ngayong taon ay mabawasan ang oras ng pagproseso ng aplikasyon ng mga business permites.
Sa pamamagitan nga electronic Business One-Sto Shop (eBOSS) program ay target nilang makuha ang 10 minuto na matapos ang mga aplikasyon ng business permit.
Sa ngayon ay mayroong mga local governments ang nag-iisyu ng mga business permits ng wala pang isang oras.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan ang ARTA sa Department of Information and Communications Technology at sa Department of Interior and Local Goverment para makamit ito.