Arnel Pineda twitter
Arnel Pineda Twitter photo

Gumawa ng bagong kanta para sa mga frontliners ang American-Filipino singer na si Arnel Pineda.

Ginawa nito ang awiting “Your Soldiers” para magbigay pugay sa tapang ng mga local heroes na itinataya ang buhay para labanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Bukod aniya ito sa mga frontliners ay ang kanta ay nananawagan din nang pagkakaisa ngayong panahon ng pandemic.

Mula pa noong 2007 ay nakilala si Pineda bilang lead singer ng sikat na US band na Journey.

Kasama rin si Pineda sa UNICEF benefit show noong nakaraang buwan kung saan inawit nito ang “Don’t Stop Believin.”