Patay ang isang Philippine Army major at isa pang sundalo ng paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang Isuzu Crosswind kahapon bandang alas-5:30 ng hapon.

Ayon sa report ng militar sakay sa nasabing sasakyan ang mga tauhan ng Military Intelligence Group (MIG-10).

Nagsasagawa ng intelligence operations ang grupo ng paulanan ng bala ng mga local terrorist group sa Barangay Lilod Mandaya, Marawi City.

Nakapag retaliate pa ang mga sundalo sa mga bandidong grupo kung saan umigting ang 10 minutong labanan.

Nasawi sa enkwentro si Maj. Jerico Mangulas na miyembro ng PMA Class 2002 at si Cpl. Bryan Libot.

Habang sugatan naman si Cpl Rolando Cartilla na kasalukuyang ginagamot sa Amal Pakpak Hospital sa Marawi City.

Nakapagtala naman ng undetermined numbers of casualties sa panig ng lawless terrorist group.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng 65th Infantry Battalion.

Nagsagawa na rin ngayon ng checkpoint operations ang militar sa lugar.