Mayroon ng sariling wax figure ang singer na si Ariana Grande.

Sa Instagram post ng Madame Tussauds Hollywood na ipinakita nila ang wax figure ng “Thank you, Next” singer.

Ang realistic wax figure ni Ariana ay may suot na black two-piece outfit na mayroong puting feather jacket.

Kuha ang nasabing istilo sa kaniyang “7 Rings” music video.

Paglilinaw ng Madame Tussauds USA na makikita lamang ang nasabing wax figure sa kanilang Hollywood branch.

Bukod kay Ariana ay makikita ang mga wax figure nina Taylor Swift, Lady Gaga, Marilyn Monroe at Jimmy Kimmel na naka-display sa Madame Tussauds Hollywood.