-- Advertisements --
BUENOS AIRES – Kinumpirma ngayon ng kampo ni Argentine President Alberto Fernandez na nag-positibo ito sa resulta ng COVID-19 test.
Una rito, sumalang sa pagsusuri si Fernandez, makaraang makaranas ng lagnat.
Ang 62-anyos na lider ay nasa kaniyang unang termino bilang pangulo.
Nabatid na naturukan na ng Sputnik V Russian vaccine ang Argentine president nitong unang bahagi ng taon, kaya marami ang nagulat sa pagpositibo niya sa deadly virus.
Pagtitiyak naman nito, nasa maayos siyang kalagayan, sa kabila ng tumamang sakit.
“I am in good physical condition,” wika ni Fernandez. (Reuters)