Nagbabala ang Archdiocese of Manila sa publiko na mag-ingat sa mga kumakalat na humihingi ng donasyon o pera para kay Cardinal Luis Antonio Tagle.

Sinabi ni Father Reginald Malicdem ang Chancellor of the Archdiocese, nagulat na lamang sila ng may matanggap sila ng text message tungkol sa nasabing modus.

Laman ng sulat ang surprise Farewell Mass at Testimonial Dinner para kay Tagle sa darating na Enero 5, 2020 na gaganapin sa Manila Cathedral.

Humihingi aniya ito ng donasyon para gawing pabaon kay Tagle.

Paglilinaw pa nito na hindi konektado sa kanilang opisina ang nagpapakilalang si Father Albert Lagura na siyang nakasulat sa solicitation letter.