-- Advertisements --

Magsasagawa pa rin ang Archdiocese of Manila ng mga misa na simula ngayong araw kahit na mayroon kautusan ang gobyerno na pagbabawal ng pagsagawa ng pagtitipon simula Marso 22 hanggang April 4.

Sa inilabas na pastoral letter ni Bishop Broderick Pabillo ang apostolic administrator ng Manila achdiocese, bubuksan ang simbahan na sakop nila sa Manila, Pasay, Makati, Mandaluyong at San Juan subalit mayroon lamang na 10 percent ang capacity nito.

Ilan sa mga aktibidad na isasagawa ngayong panahon ng semana santa ay ang Consecration of the Holy Chrism at Blessing of the Oil of the Sick sa Holy Wednesday dakong 7:30 ng umaga susundan ito ng Chrism mass na dadaluhan ng ilang mga pari at manananmpalataya.

Ang ilang aktibidad naman sa Semana Santa ay gagawin na lamang online.

Isasabay naman sa Easter Sunday ang 500 years ng pagdating kristiyanismo sa bansa subalit hinihikayat ng simbahan na makinig na lamang ang mga mananampalataya sa mga online.

Magugunitang pinuna ng ilang opisyal ng simbahan ang naunang kautusan ngInter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa sarado ang mga simbahan subalit bukas ang mga spa at gyms hanggang sa binawi ito ng IATF.