-- Advertisements --

Pormal nang idineklara ng Palasyo Malacanang na holiday o non-working day ang araw ng halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre 30, 2023.

Sa inilabas na pahayag na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binibigyan umano ng pagkakataon ang publiko na makalahok sa halalan na walang anumang alalahanin ukol sa kanilang trabaho.

Dahil dito, magiging long weekend na ang huling bahagi ng Oktubre.

Wala pa namang inilalabas na abiso ukol sa Oktubre 31 na maiipit ng dalawang non-working day para sa halalan at para sa Todos Los Santos o Undas.