-- Advertisements --

Patuloy na imo-monitor, sa kabila ng aprubado na ng Commission on Elections (Comelec) ang “full-capacity” sa mga campaign venues sa mga lugar na nasa alert level 1 na lamang.

Ayon kay Comelec Comm. George Erwin Garcia, ang regulasyon sa pangangampanya ay binago para makasunod pa rin sa lumuluwag na restrictions sa pandemya.

Aniya, IATF pa rin ang higit na nakakasakop sa pag-iral ng alert status, habang local government units (LGUs) naman ang nagpapatupad ng paghihigpit sa mga komunidad.

Sa bagong panuntunan, maaari nang magsagawa ng aktibidad ang mga kandidato kahit na walang sertipikasyon mula sa punong tanggapan ng poll body.

Bagamat nilinaw ni Garcia na kailangan pa rin na kumuha ang campaign team ng permit at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan na nakakasakop ng lugar na pagdarausan ng political event.