HKRUN
APO HK RUN

Nakilahok ang Alpha Phi Omega Hong Kong Alumni Association sa District Race Explore Hong Kong 2019.

Sa pangunguna ni Mar De Guzman ng Alpha Pi Chapter, University of Luzon, Dagupan City at Ruth Lota ng Mu Kappa Chapter, Camarines Norte State College, Bicol Region ay nakibahagi sa karera na nanghihikayat sa mga residente, Expats, OFW at mga dayuhan na pasyalan ang iba’t-ibang bahagi ng Hong Kong nitong linggo.

hk RUNS

Dapat matapos ng dalawang oras ang karera at gamit ang GPS sa kanilang cellphone ay makakamit ang mga puntos sa bawat checkpoints na dadaanan sa virtual form.

Layon ng karera ang pagpapanitili ng teamwork, cooperation at pakikipagkaibigan sa lahat ng uri ng lahi.

DISTRICT RUNS 1
Group pics from APOHK

Ang APOHKAA ay registered National Service Fraternity sa Hong Kong at labis nitong ipinagmamalaki ang paglahok sa torneo bilang serbisyo sa mga bansang kinaroroonan nila.