-- Advertisements --
Lalo pang lumawak ang apektado ng ulang dala ng papalapit na low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 395 km sa silangan timog silangan ng Davao City, Davao del Sur.
Kabilang sa mga uulanin ang malaking parte ng Mindanao, Eastern Visayas at Central Visayas.
Nananatili namang maliit ang tyansa ng LPA na maging bagyo sa susunod na 24 oras.
Maliban dito, maghahatid pa rin ng ulan at malamig na hangin sa Northern Luzon ang umiiral na hanging amihan.