-- Advertisements --

Lalo pang lumawak ang mga lugar na apektado ng low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng ating bansa.

Huli itong namataan sa layong 165 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Sa ngayon, nagdadala ito ng ulan sa Visayas, Bicol Region, Caraga, Northern Mindanao, Quezon, Marinduque, Romblon, Mindoro Provinces at Kalayaan Islands.

Mas mahigpit naman ang tagubilin ng Pagasa sa mga nasa Southern Luzon dahil maliban sa LPA, nakakaapekto rin sa kanila ang tail-end ng frontal system.

Kapwa ito nagdadala ng ulan sa rehiyon kaya nananatili ang banta ng baha at pagguho ng lupa.

Samantala, malamig na hangin naman na may paminsan-minsang ulan ang dala ng hanging amihan sa Northern at Central Luzon, pati na sa Metro Manila at mga karatig na lugar.