Pormal nanumpa bilang bagong prime minister ng Malaysia ang beteranong opposition leader na si Anwar Ibrahim .
Ang kaniyang pag-upo ay 25 taon na niyang pinapangarap kung saan dahil sa pagkontra sa gobyerno ay dalawang beses na itong nakulong.
Sa harap mismo ni King Abdullah ng Malaysia ito nanumpa nitong Huwebes.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nakuha ng partido ni Anwar na Pakatan Harapan (PH) party ang mayorya ng upuan sa kongreso kaya nabigyan siya ng pagkakataon na bumuo ng gobyerno.
Umabot pa sa limang araw bago nagkaroon ng negosasyon para sa pagbuo ng gobyerno mula a kalabang partido na UMNO.
Isinusulong nito ang paglaban sa kurapsyon at nakatuon sa ekonomiya, nangako rin ito na hindi niya tatanggapin ang kaniyang sahod bilang prime minister.