-- Advertisements --
Binigyan na ng go signal ng NBA na makabalik sa paglalaro ang Milwaukee Bucks superstar na si Giannis Antetokounmpo.
Una nang isinailalim sa quarantine si Giannis noon pang Dec 14 bilang bahagi ng safety and health protocols ng liga.
Umabot na rin sa limang games na hindi nakakalaro ngayong season ang dating Finals MVP.
Sa Christmas game bukas sa Amerika, haharapin ng defending champion ang Boston Celtics na may pinakamaraming players na isinailalim sa quarantine.
Ngayong araw ay walang mga laro upang paghandaan ang Christmas games.
Samantala ang iba pang games na kaabang abang bukas sa NBA ay ang
banggaan ng Brooklyn Nets at Lakers,
Warriors vs. Phoenix Suns, Mavericks vs. Jazz at ang harapan ng Hawks vs. Knicks