-- Advertisements --

Suportado ni Interior Sec. Eduardo Ańo ang posibleng deklarasyon ng martial law kasunod nang mga pag-atake kamakailan ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam, sinabi ni Año na ilan sa mga rebelde ay gumagawa nang pag-atake sa mga local officials at kanilang mga escorts habang naghahatid ang mga ito ng social amelioration aid ng pamahalaan sa mga apektadong residente ng public health crisis.

Kamakailan lang ay nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng martial law kasunod ng ulat mula sa mga sundalo na hinarang ng mga rebeldeng NPA ang tulong para sa Samar.

Sa katunayan, noong Biyernes ng nakaraang linggo, isang pulis at local government official ang sugatan matapos na umano’y paputukan ng NPA ang isang police vehicle sa bayan ng Monreal sa Masbate.