-- Advertisements --

Nagkausap sa telepono sina National Security Adviser Eduardo M. Año at US National Security Adviser Jake Sullivan.

Ayon sa White House na tinalakay ng dalawa ang pagpapatibay ng alyansa ng US at Pilipinas.

Pagtitiyak din aniya ng dalawa na mananatili ang magandang samahan ng dalawang bansa.

Siniguro din ng dalawa ang pagtutulungan para maayos ang anumang usapin.

Magugunitang kamakailan lamang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos si Año sa NSA kapalit ni Clarita Carlos.