Angel Locsin
-- Advertisements --

Nagsalita na ang actress na si Angel Locsin sa alegasyon na pananahimik nito sa usapin ng anti-terrorism bill.

Kasunod ito sa pagbatikos sa kaniya sa social media na wala siyang anumang reaksyon sa usapin ng nasabing panukalang batas.

View this post on Instagram

Not a terrorist. http://chng.it/WRjRGHyj4d #junkterrorbill

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Ayon sa actress na dapat magsagawang mabuti ang mga internet troll ng research para sa kanilang akusasyon.

Nagbigay din ito ng mensahe kay Senate President Tito Sotto dahil sa pag-“Like” umano nito sa isang Twitter user na proNPA daw ang nasabing actress.

Sinabi ng actress na hindi niya sinusoprtahan ang mga terorista at kung may karapatan ang senador na mag-“like” sa mga tweet ay may karapatan din itong mag-labas ng kanilang saloobin.

-- Advertisement --