Hindi na interesadong maghain ng kaso ang actress na si Angel Locsin laban sa mga trolls na nagbanta sa kaniyang buhay.

Sinabi nito na mas pinili na lamang niyang ipagdasal ang mga ito dahil sa nararanasang krisis ng coronavirus.

Pinasalamatan din nito ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa paglapit sa kaniya para tulungan na sampahan ng kaso ang mga nagbabanta sa kaniya.

Magugunitang ibinunyag ng actress na may mga nagbabanta sa kaniyang buhay at ilang mga artista na naglabas ng hinaing sa gobyerno matapos na ipasara ang television network kung saan sila nagtatrabaho.