Wala pang konkretong desisyon ang actress na si Angel Locsin at nobyong si Neil Arce kung kanila bang ipagpapaliban ang kasal ngayong taon dahil sa nararanasang coronavirus pandemic.

Sinabi ng 35-anyos na actress na ayaw muna nilang isapubliko ang petsa ng kasal nila dahil wala pang pinal na desisyon.

Bukod sa mga ipinapatupad na health protocols ay inaalalal din nila ang segurida ng kanilang mga bisita.

Tiniyak naman nito sa kaniyang mga fans na kanila itong ipapaalam kapag mayroon na silang nabuong desisyon.