-- Advertisements --

Lalo pang bumaba ngayong weekend ang water elevation sa angat dam, kahit may mga naitatalang bahagyang pag-ulan.


Ayon sa pagasa-hydrometeorology division, bumagsak pa sa 196.01 meters antas ng tubig sa naturang dam, at malayo ito sa 212 meters na normal level.


Maging ang iba pang mga dam sa luzon ay nakitaan din ng mabilis na pagbaba.


Ayon naman sa national water resources board, may mga tinitingnan pa silang pamantayan bago magsagawa ng cloud seeding.


Malaking halaga rin kasi ang gugugulin dito, dahil gagamit ng eroplano para sa nasabing proseso.