-- Advertisements --

Inilagay sa maximum security federal prison sa Mexico si Ovidio Guzman ang anak ng drug cartel leader na si Joaquin “El Chapo” Guzman.

Kasunod ito pagsiklab ng mga kilos protesta at inaasahang pagkilos ng mga kasamahan nito para maitakas lamang ito.

Sinabi ni Mexican Defense Minister Luis Cresencio Sandoval na naging madugo ang ginawa nilang pag-aresto kay Guzman kung saan 19 na mga suspected gang members at 10 sundalo nila ang nasawi.

Dinagdagan na rin nila ang mga nakatalagang magbabantay sa Altiplano prison kung saan nakapiit si Ovidio.

Itinuturing ng US State Department na si Guzman ay “high-ranking member ng Sinaloa Cartel”.

Una na siyang naaresto noong Oktubre 2019 subalit pinakawalan rin sa utos ng dating Presidente Andrés Manuel López Obrador para maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Ang ama nito na si “El Chapo” ay nakatakas sa Altiplano prison noong Hulyo 11, 2015 pero ito ay muling naaresto at nahatulan ng panaghabambuhay na pagkakakulong at pinagbabayad pa siya ng $12.6-bilyon.