Ibinunyag ng komedyanteng si Dennis Padilla na ikinasal na sa kapwa babae ang panganay nitong anak na si Dianne Baldivia.

Ayon kay Padilla, isinagawa ang pagpapakasal ng 30-anyos na anak nito sa US.

Matagal na aniyang kapartner ng anak nito ang napangasawa at kaniyang nirerespeto ang desisyon dahil sa mahal niya ang anak.

Si Dianne ay anak ni Dennis sa unang asawa na si Monica Sunga.