Ali Padilla
Ali Padilla/ IG Post

Labis ang kasiyahan ni Robin Padilla sa pag-iisang dibdib ng nag-iisang anak nitong lalaki na si Ali.

Nitong Linggo kasi ay ikinasal ang 18-anyos na si Ali sa partner nitong si Hannah sa Broadbeach, Queensland, Australia.

Si Ali ay anak ni Robin kay Liezel Sicangco.

Bagamat hindi nakadalo si Robin at Queenie na kapatid ni Ali ay nagpaabot naman sila ng pagbati sa pamamagitan ng kanilang mga social media.

Sa Instagram post ni Queenie ay ibinahagi ang larawan ng kapatid na si Ali na may malalim na mensahe sa kapatid.

Hindi naman maipaliwanag ni Robin ang kaniyang kasiyahan kung saan sa kaniyang IG post ay may caption ng kaniyang mga mensahe.