-- Advertisements --

Inanunsiyo ng anak ni NBA legend Shaquille O’ Neal na si Amirah ang pagsali nito sa basketball team ng Louisiana State University Tigers.

Sinabi nito na sabik na itong maging student athlete sa LSU kasam ang kapatid nitong lalaki na si Shareef.

https://twitter.com/SSJreef/status/1250914656476172294

Dagdag pa nito na labis ang kaniyang kasiyahan na gugulin ang apat na taon nito sa nasabing unibersidad.

Ang 6’3″ tall na si Amirah ay mayroong 17.2 points per game sa kaniyang high school career sa Crossroads sa Santa Monica.

Habang ang 6’9″ na si Shareef ay siyang pinakamagaling na high school player bago napunta sa UCLA noong 2018.

Ang nasabing hakbang ay nangangahulugan na nais lamang nilang sundan ang yapak ng ama nila dahil naging LSU legend ito mula 1989 hanggang 1992 bago nakapasok sa NBA.