-- Advertisements --

Nababahala ang Amnesty International dahil sa pagkakaaresto ng isang journalist sa France.

Pinagbintangan kasi si Ariane Lavrilleux na mayroong itong mga impormasyon na hawak na kaniyang isinawalat ng gamitin umano ng Egypt ang French intelligence group para sa pagpatay sa mga sibilyan.

Sinabi ng kaniyang abogado na kaya siya iniimbestigahan ay dahil umano sa pagkompromiso ng national security.

Ayon naman sa Amnesty International na nakakabahala ang ginawa ng France dahil sa tinutupad lamang ng journalist ang kaniyang trabaho.

Magugunitang inilabas ni Lavrilleux sa kaniyang report na may mga nakuha itong classified documents ukol sa mga Egyptian authorities na ginamit ang French intelligence para bombahin at patayin ang mga smugglers sa border ng Libya at Egypt noong 2016 at 2018.