Plano ng US Air Force na mag-deploy ng B-1B strategic bombers sa US-South Korea military exercises.
Ito ay matapos magpakawala ang North Korea ng sunud-sunod na mga weapons tests nitong mga nakaraang araw upang iprotesta ang mga allied military drills.
Ang Seoul at Washington ay nagdaraos ng “Vigilant Storm” na air drills simula noong Lunes, na pinalawig ng isang araw hanggang Sabado bilang tugon sa tinatawag ng mga kaalyado na patuloy na provokasyon ng North Korea.
Ito ang unang B-1B na na-deploy sa US-South Korean drills mula noong 2017.
Itinago ng Estados Unidos ang apat na mga bombers sa Guam mula noong huling bahagi ng Oktubre.
Nauna nang hiniling ng South Korea sa Estados Unidos na palakasin ang deployment ng “mga “strategic assets”, na kinabibilangan ng mga aircraft carrier, nuclear submarine, at long-range bombers tulad ng B-1B.
Ang US at South Korean authorities ay hindi pa naglabas ng kumpirmasyon sa nasabing report.