-- Advertisements --
Nagwagi si American swimming star Katie Ledecky sa 1,500 meter freestyle world title sa Singapore.
Ito na ang pang-22 gold medal ni Ledeckys sa World Aquatics Championships.
Sa kabuuan ay mayroon itong 28 na medalya na naibulsa.
Nagkulang lamang siya ng anim na segundo para mahigitan ang sariling world record noont 2018 na 15:26.44.
Pumangalawa naman si Simona Quadarella ng Italy na may oras na 15:31.79 habang nasa pangatlong puwesto si Lani Pallister ng Australia.
Mayroon ng kabuuang 42 medalya ang 28-anyos na American swimmer sa Olympics at World Championships kabilang ang 31 gintong medalya.