-- Advertisements --

WASHINGTON – Inatasan ng United States ang ilan sa mga major American airlines na tumulong sa evacuation ng ilang libong Afghans at foreigeners mula sa Kabul kasunod nang tuluyang pagsakop ng Taliban extrimists sa Afghanistan.

Sinabi ng Pentagon na binuhay ngayon ni Secretary of Defense Lloyd Austin ang minsan lang nilang ginagamit na Civil Reserve Air Fleet (CRAF) para tumulong sa galaw ng mga dumarating na tao sa mga base militar ng US sa Middle East.

Ayon sa Pentagon, 18 civilian craft mula sa American Airlines, Atlas, Delta, Omni, Hawaiian at United ang tutulong sa ilang dosenang military cargo transports na involved sa nagpapatuloy na evacuation.

Sa halip na maglabas-pasok sa Kabul, ang mga civilian plane na ito ay hahakot na lamang ng mga evacuees mula sa base militar ng US sa Qatar, Bahrain at United Arab Emirates papunta sa iba’t ibang European countries o sa America mismo.

Target ng Washington na makumpleto ang pinakamalaking evacuation missions nila ng hanggang sa Agosto 31.

Ayon kay President Joe Biden, nasa 15,000 Americans sa Afghanistan ang dapat nilang mailikas.

Bukod dito, nasa 50,000 pang Afghan allies at kanilang mga pamilya ang dapat din nilang matulungan na makaalis sa Afghanistan.

Sa ngayon, nasa 17,000 katao na ang nailabas mula sa Afghanistan mula noong Agosto 14.

Karamihan sa kanila ay tumungo sa Qatar o sa Kuwait.

Kabilang sa kabuuang bilang na ito ang nasa 2,500 na mga Americans. (Agence France-Presse)