-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng malalakas na hangin at ulan mamayang gabi sa Metro Manila dahil sa paglapit ng bagyong Ambo.

Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, namataan ang sentro ng tropical cyclone sa Catanauan, Quezon.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

May lakas itong 125 kph at may pagbugsong 165 kph.

SIGNAL NO. 3:
Quezon kasama ang Polillo Island, Rizal, Laguna, southern portion ng Aurora, southern portion ng Nueva Ecija, eastern portion ng Bulacan, western portion ng Camarines Norte, extreme western portion ng Camarines Sur at Marinduque

SIGNAL NO. 2:
Metro Manila, Cavite, Batangas, Pampanga, Tarlac, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, natitirang bahagi ng Aurora, iba pang lugar sa Camarines Norte, nalalabing parte ng Nueva Ecija, iba pang lugar sa Bulacan, Burias Island, eastern portion ng Pangasinan at western portion ng Camarines Sur

SIGNAL NO. 1:
Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, natitirang parte ng Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Zambales, Bataan, Oriental Mindoro, Romblon, Catanduanes, Albay, Sorsogon, natitirang bahagi ng Camarines Sur, northern portion ng mainland Masbate at Ticao Island