Nanguna si Amazon CEO Jeff Bezos sa listahan ng pinakamayamang tao sa buong mundo.

Sa inilabas na listahan ng Forbes magazine, mayroong kabuuang $131 billion ang kabuuang yaman ng 55-anyos na si Bezos.

Pumangalawa naman sa listahan si Microsoft founder Bill Gates na may kabuuang yaman na $96.5 billion
habang nasa pangatlong puwesto naman ang 88-anyos na si Warren Buffet na mayroong $82.5 billion na yaman.

Sa nasabing listahan ay mayroong 14 na billionaires Americans ang pasok sa top 20.