-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dinakip at nakakulong na ang isang ama sa Bayombong, Nueva Vizcaya makaraang sampahan ng kasong 3 counts of rape ng kanyang anak .

Ayon sa salaysay ng biktimang 13 anyos, tatlong beses umano siyang ginahasa ng kanyang ama na edad 59.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, tatlong beses umanong ginahasa ng sariling ama ang biktima sa loob ng kanilang tahanan kayat naglakas loob siyang magsumbong sa kanyang ina.

Personal na dumulog mag-ina sa Women and Children Protection Desk ng Bayombong Police Station upang ireklamo at sampahan ng kaso ang akusado .

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest at walang inirekomendang piyansa.

-- Advertisement --

Dinala na sa Bayombong Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.