LAOAG CITY – Dead on arrival ang isang ama pagkatapos magtamo ng anim na tama ng bala dahil sa pagkakabaril sa Brgy. 4-Marcos sa bayan ng Banna.
Base sa imbestigasyon ng PNP-Banna, sinundo ng biktima na si Jamerson Agamata y Calano, 53-anyos ang kanyang anak na si Angelina Agamata y Coloma, 20-anyos, nagtatrabaho sa isang botika at parehas na residente ng Brgy. Nagpatayan sa nasabing bayan.
Samantala, habang tinatahak ng mag-ama ang kahabaan ng Banna-Pinili Road na bisinidad ng Brgy. 4 ay biglang binaril ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo si Jamerson Agamata.
Agad na nadala sa Banna RHU si Jamerson ngunit naideklara na dead on arrival.
Samantala, gasgas sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng kanyang anak.
Kaugnay nito, ipinaalam ni Police Captain Norman Pentang, chief of police ng PNP-Banna na nahuli ang isang suspek na umanoy gun for hire at residente ng bayan ng Nueva Era.
Dagdag niya na narekobre mula sa suspek ang tatlong kapsula ng umanoy caliber 45 na pinaniniwalaang nagamit sa krimen.