-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) na maisama sa coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay PITAHC director general Dr. Annabelle de Guzman, may mga pag-aaral na silang nagpapatunay na maraming gumagaling sa alternatibong paraan ng gamutan, ngunit hindi lang ito lubos na nabibigyan ng sapat na pagkilala.

Giit ni De Guzman, mas maliit ang gastos sa ganitong uri ng proseso, kaysa sa popular na ginagamit sa mga ospital.

Nilinaw din nitong hindi lahat ng alternative medicine ay kailangang inumin, dahil may mga paraan ding external, ngunit napatunayan na ang pagiging mabisa.