Hindi ikinaila ni Allen Dizon na ito ay nadismaya ng hindi siya napiling best actor sa 41st Cairo International Film Festival noong Nobyembre 29 sa pelikulang Mindanao.

Ayon sa actor na normal lamang na manghinayang dahil hindi siya napili.

Masaya na rin ito dahil napili bilang best actress si Judy Ann Santos sa pagganap nito sa nasabing pelikula at director Brillante Mendoza.

Inaasahan niya na mapili rin siya bilang best actor subalit masaya na ito dahi siya na ang tumanggap sa mga award nina Santos at Mendoza.

Sa positibong panig naman ay hindi mapapalitan ang saya sa pagtunton sa stage ng international award body at kasama na rin ang pagpasyal sa ibang mga lugar.