All-out war laban sa komunistang New Peoples Army (NPA) ang idiniklara ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa.
Lalo na raw ngayong wala ng umiiral na tigil putukan o ceasefire.
Ayon kay Gamboa dapat nilang harapin ngayon ang rebeldeng grupo na walang pakundangan sa paglunsad ng pag atake laban sa mga tropa ng pamahalaan lalo na ngayon na nahaharap sa COVID-19 pandemic ang bansa.
Giit ni Gamboa, gagawin nila ang lahat para kanilang maaresto o mapatay ang mga matataas na lider ng NPA.
Aniya, ang ibinibigay na reward money ng Pangulong Duterte para ma-neutralize ang mga top leaders ng NPA ay nagsisilbing motivation sa mga pulis at sundalo na paigtingin pa ang kanilang kampanya.
Una rito, nag-alok ng P2 milyong pabuya ang Pangulo para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga top NPA commanders.